bawal na pagkain gout sisig

Ano ang mga pagkain na MATAAS sa URIC ACID?

Pagkain na nagpapataas ng URIC ACID

ANO ANG URIC ACID?

Ang uric acid ay asukal o cholesterol-like compound  na natatagpuan sa ating katawan. Dapat natin itong bantayan dahil maaaring magresulta sa isang uri ng rayuma na tinatawag na Gouty Arthritis. Kung ang ating katawan ay gumawa ng labis na uric acid, ang urate ay magdedeposito sa mga kasukasuan, na nagiging sanhi ng pamamaga at kirot. Ang gout nakakaapekto sa isa o higit pang mga kasukasuan. Ito ay isang napakasakit na kondisyon na dulot ng labis na uric acid sa katawan (hyperuricemia) na nakolekta sa loob at paligid ng mga kasukasuan.

Ang build-up ay sanhi ng alinman sa labis na produksyon ng uric acid, o masyadong kaunti ang nailalabas ng iyong katawan. Ang mga kristal mula sa GOUT ay matutulis at may mga hugis na parang karayom, kaya nagdudulot ng matinding pananakit sa apektadong bahagi.  Maaari rin itong maging sanhi ng kidney stones. Ang gout ay nakakaapekto sa humigit-kumulang 1.6% ng mga Pilipino ayon sa Philippine Rheumatology Association.

pagkain na nagpapaptaas ng uric acid

ALAMIN KUNG MATAAS ANG IYONG URIC ACID

Maaaring sukatin ang lebel ng iyong Uric Acid sa pamamagitan ng isang blood test. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo mula sa braso ng pasyente at sinusuri naman sa isang laboratoryo. Ano nga ba ang normal na lebel ng uric acid?

Sa mga babae: 2.4-6.0 mg/dL (0.14 hanggang 0.35 mmol/L)
Sa mga lalaki: 3.4-7.0 mg/dL (0.2 hanggang 0.41 mmol/L)

Ngunit tulad ng Blood Pressure, ang bawat isa ay may iba’t ibang normal na lebel ng uric acid kaya’t mahalagang magpasuri ka sa pinakamalapit na ospital. Ang nabanggit na mga numero sa taas ay ang pangkaraniwang normal na lebel ng Uric Acid.

May iba’t ibang uri ng arthritis. Ang arthritis ay isa lamang umbrella term para sa higit 100 sakit kasama na ang osteoarthritis, rheumatoid arthritis, psoriatic arthritis, at gout.

Maaaring makuha ang sakit na ito mula sa dalawang bagay:

  1. Lahi – ito ay namamana sa magulang
  2. Pagkain – hilig sa pagkaing mataas sa Purine.

Ang epekto din ng pagkain ay maaaring maging iba. Mahalagang kumonsulta sa inyong doktor para magabayan kayo sa pagkain at gamot na inyong iinumin.

Bagamat maraming mga gamot na mabibili para sa gout, mayroong mas mainam na mga organic supplement upang maiwasan ang pananakit na nagmumula sa gout. Ngunit kahit uminom ka man ng supplement o ano’t ano pang mga gamot para sa gout treatment, mahalaga pa rin na umiwas sa pinagbabawal na pagkain.

Ang mga pagkaing nagdudulot ng GOUT Attacks ay ang mga pagkaing mataas sa Purine. Ang purine ay isang compound na bahagi sa mga “amino acids” na bumubuo ng mga protina sa katawan.


You will also want to read these:


ANO-ANO NGA BA ANG MGA PAGKAING MATAAS SA PURINE?

1. Karneng pula (red meat) tulad ng baboy, baka, atbp.
2. Mga lamang-loob sa karne gaya ng atay, lapay, atbp.
3. Mga isdang galing sa dagat tulad ng molusko, scallops, mussels, herring, mackerel, atbp.
4. Sardinas, bagoong, alamang, at ibang pang uri ng anchovies.
5. Kabute o mushroom
6. Sitaw, bataw, patani (mga beans)
7. Beer at alak
8. Tinapay

Sa mga inuman, hindi mawawala ang alak at beer, mga pulutang karne, isdang dagat, at iba pa. Naghahalo ang mga pagkaing nagpapataas ng GOUT ATTACKS at mas lumalaki ang posibilidad na magdulot ito ng problema sa inyong katawan.

 

Sources:
Medical News Today
WebMD
Very well health

Leave a Reply