bawal na pagkain sa gout uric acid

Mga Pagkain na Dapat Iwasan Kung Ikaw ay May Gout Diet- Mataas na URIC ACID

Ang “Gout” ay isang pangkaraniwang sakit na madalas ay nagkakaroon ang mga lalakeng may edad na 25 pataas. Ang mga sintomas ay pagkakaroon ng matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, kamay at tuhod.

Upang malaman at makumpirma kung gouty arthritis nga ang iyong sakit, kailangang ipasuri ang ating uric acid sa pamamagitan ng isang blood test.

Maaaring makuha ang sakit na ito mula sa dalawang bagay:

  1. Lahi – ito ay namamana sa magulang
  2. Pagkain – Hilig sa pagkaing mataas sa Uric Acid.

Ano ang Gout Diet/Pagkaing dapat iwasan ng isang taong may gout?

Alcoholic drinks

  • – Masasabi nating isang pahinga ang pag inom ng mga alcoholic drinks tulad ng Beer pagkatapos ng isang nakakapagod na araw o may isang okasyon tayong sine-celebrate ngunit dapat itong iwasan lalo na kung ikaw ay mayroon ng “Gout”. Mataas ang lebel ng purines ng mga inuming ito at masasabing kapareho ang epekto ng pag-inom nito sa labis na pagkonsumo ng Fructose na nakikita sa asukal at nakadaragdag sa pagtaas ng lebel ng Uric Acid.

 

 

MEAL PLAN:Click here Mga pagkain na dapat kainin kung ikaw ay may GOUT!

 

 

Seafoods

  • Ang labis na pagkain ng seafood (molusko, scallops, mussels, herring, mackerel, sardines at anchovies) ay nakakapagpalala sa isang taong may “Gout” dahil sa kanilang nilalamang mataas na purine at epekto sa pagtaas ng produksyon ng Uric Acid.

Sugars

  • Ang Fructose o “Fruit Sugar” ay natatagpuan sa honey, prutas, ilang mga gulay at sweeteners. Ang Fructose ay nakadaragdag sa purine metabolism na nagiging sanhi ng pagtaas ng antas ng Uric Acid sa dugo. Iwasan ang mga sweeteners na may mataas na Fructose tulad ng Honey, Brown Sugar, High-Fructose Corn Syrup at Golden Syrup. Ito rin ay natatagpuan sa mga inumin na tulad ng softdrinks.

Lamang-loob

  • – Iwasan ang madalasa na pagkain ng lamang-loob tulad ng atay, bituka, dila, puso, tripa, at utak. Kasama dito ang dinuguan, igado, lengua, papaitan, sisig, kare-kare at iba pang katulad na biyanda na madalas nating makita sa mga street foods o karinderya. Isa ito sa mga itinuturing na pangunahing sanhi ng “Gout”. Ang pagkain nito ay maaaring magdulot ng madaliang pag-usbong ng mga sintomas ng nasabing karamdaman. Naglalaman ang mga ito ng mataas na purine na nagdudulot ng pamumuo ng mga kristal sa mga kasukasuan.

Processed food

  • Ikaw ba ay mahilig sa Hotdog, Tocino, Ham at iba pang Processed food? Kung gayon ay maiging simulan na nating humanap ng mas mabuting alternatibong pagkain para dito. Bukod sa pagpapalala ng iyong “Gout” ay nagdudulot din ng labis na pagkain ng mga ito ng sakit sa bato, Diabetes, pagtaas ng blood sugar at iba pang malubhang karamdaman.

Marami man ang nadagdag sa limitasyon ng inyong pagkain ay marami din naming pwedeng ipalit o alternatibong mas makakapagpalusog sa inyong katawan. Mula rito ay maaari kayong bumuo ng sample menu na nilalalaman ng mga sumusunod: prutas, tinapay na hindi whole grain, mani, itlog, keso, at yogurt. Maaari ding kumain ng white meat basta hindi sosobra.

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply