pagkain gout goutrin

Mga dapat kainin sa mataas na uric acid | GOUT

Mga dapat kainin sa mataas na uric acid | GOUT

Ayon sa kasaysayan ang “Gout” ay tinatawag na sakit ng mga hari sapagkat ito’y karaniwang nakukuha ng mga mayayaman dahil sa labis na pagkain at pag-inom. Sa kasalukuyan, ito ay hindi na lamang nakakaapekto sa mga mayayaman. Karaniwan itong nakukuha ng mga lalaking may edad 25 pataas.

Kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng “Gout” ay ang pagtaas ng uric acid levels sa katawan. 

Ang tamang pagkain ay napakahalaga upang mapababa ang uric acid level at maiwasan ang paglala ng sakit. Narito ang mga pagkain na maaaring kainin kung ikaw ay may “Gout”.

Mga dapat na kainin sa mataas na URIC ACID GOUT

  • Cherries – Ang epekto ng anti-inflammatory at antioxidant benefits ng cherry ay maihahalintulad sa mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs o NSAIDs.
  • Avocado – Nakakatulong sap ag iwas sa agarang joint damage ang pagkain ng Avocado dahil sa anti-inflammatory, monounsaturated fat nito at ang micronutrient nito na Vitamin E ay napakahusay din sa pagsugpo ng inflammation sa mga kasukasuan.
  • Watermelon – Isa rin ito sa mga nirerekomendang pagkain para sa mga taong may “Gout” dahil sa taglay nitong carotenoid beta-cryptoxanthin – isang uri ng pampababa ng risk ng rheumatoid arthritis.

You will also want to read these:


 

  • Broccoli – Ang mga gulay ay mayroong healthy properties na tumutulong makaiwas sa pagsumpong ng rayuma dahil naiingatan ng mga ito ang walls ng cells sa kasukasuan. Isa na rito ang Broccoli na ayon sa mga research, ang sulforaphane ng broccoli ay humaharang sa pamumuo ng cells na nagsisimula ng “Gout”.
  • Spinach – Isama rin sa ating diet ang gulay na ito dahil sa kaempferol content nito, isang antixodant na inaagapan ang inflammatory agents na nag-uumpisa ng nasabing autoimmune disease.
  • Garlic – Ito ay may compound na tinatawag na diallyl disulphine, ang tumatalo sa mga enzyme sumisira sa mga litid na nakapalibot sa mga buto.
  • Red and green pepper – Ang Vitamin C na nakukuha rito ay kailangan ng katawan para maprotektahan ang mga cell sa litid. Ganoon din, napapatibay ng bitaminang ito ang mga buto para maiwasan sa maagang pagkarupok.
  • Gatas – Makakatulong sa pag-iwas sa gout ang pag-inom ng gatas. Bukod dito, nalalabanan nito ang paglala ng osteoarthritis dahil sa calcium na naibibigay nito sa mga buto at sa joints na nakapalibot sa mga ito. Pumili ng low-fat milk para makaiwas sa saturated fat.
 

Natural fruit juices – Mataas ang antioxidants ng orange, tomato, pineapple, at carrot juices dahil sa Vitamin C properties ng mga ito. Malaki ang maiaambag nitong proteksyon mula sa free radicals na nagdadala ng inflammation o pamamaga sa kasukasuan.

Siguraduhing kumonsulta muna sa inyong espesyalista bago bumuo ng komprehensibong treatment diet upang mas matukoy kung alin sa mga ito ang nababagay sa kalagayan ng inyong katawan. Kung ikaw ay inaatake pa din ng gout, mayroong mas mainam na mga organic supplement upang maiwasan ang pananakit na nagmumula sa gout.

Mariiing yandaan na ang mga nabanggit ay nakakabuti para mabawasan at maiwasan ang pananakit, pamamaga, o paninigas na dala ng “Gout” kapag sinamahan ng tamang ehersisyo, pahinga, at disiplina.

Leave a Reply